top of page

Foot Bridge sa Brgy. Bayate Liliw Laguna, Pinasinayaan


LILIW, LAGUNA - Upang lalong mailapit sa komunidad ang serbisyo ng pamahalaang lokal ng bayan ng Liliw, minarapat ni Mayor Ericson J. Sulibit na magsagawa ng Barangay Day sa halos 33 na mga barrio ng bayang ito.

Kung kaya't kamakailan lamang ay pinasinayaan ang bagong Foot Bridge na nag-uugnay sa Brgy. Bayate at Brgy. Sta.Lucia, Nagcarlan, Laguna. Kasabay nito ang pagsangguni ng mga hinaing ng mga residente batay sa kanilang mga pangangailangan at kahilingan.

Namahagi din ng mga gamot at vitamins sa mga bata maging ang pagtalakay sa pagsasaayos ng kuryente sa bawat tahanan. Ang pagbibigay at pagtatayo ng palikuran para sa mga residente. Inatasan naman ni Mayor Sulibit si Chairman Tirso M. Buenconsejo na ayusin ang pag-iisyu ng sedula sa mga mamamayan.

Lubos naman ang pasasalamat ng mga mag-asawa na hindi pa lehitimong kasal, sapagkat sa darating na buwan ay isasagawa ang isang mass wedding na pangako ng Alkalde at dito din umano sa Barangay Bayate gaganapin ang nasabing kasalan. Samantalang sinagot at pangungunahan naman ni Mayor Ericson Sulibit ang nasabing pag-iisang dibdib.

Editorial Staff

Vox Lacus Publishing

Publisher

 

Terry Bagalso

Editor-In-Chief

 

Imelda Cardel

Contributing Editor

 

Marilyn D. Navarro

Staff Writer.

Search By Tags
No tags yet.
Follow "Balitang LAGUNA"
  • Facebook Social Icon
bottom of page