top of page

Mass Oathtaking ng mga sumuko sa Oplan Tokhang sa Laguna naging Emosyonal


KAMPO HENERAL PACIANO RIZAL - Dumami pa rin ang naniniwala sa tunay na pagbabago. Matapos na kusang loob na sumuko o tumalima ang halos 327 na drug dependent sa "Oplan Tokhang" at Double Barrel na pangunahing prayoridad ni P.Dir Gen.Ronald "Bato" Dela Rosa.

Sa loob nga ng halos 52 barangay ng Nagcarlan ay naitala ng PNP ang 30 barangay na apektado ng bawal na gamot. Kung kaya't inasahan na nga ang pagdami ng bilang ng mga magba-bagong buhay sa programa ng administrasyon Duterte.

Sa pagsisimula ng programa ay nagawang manalangin ng pagtangap sa Panginoon ang bawat isa sa pangunguna ni Pstr.Alberto S. Brosas.Habang naging emosyonal naman ang pagbibigay ng mensahe ni Mayor Nelson M.Osuna na halos pumatak na ang luha dahil sa nararandaman niya kung papaano ang maging ama.Na ang isang anak na nagnanais ng panibagong landasin sa buhay.

Samantalang pinangunahan naman ni PCI. Leopoldo M. Ferrer Jr., hepe ng pulisya ang panunumpa ng bawat drug user at pusher na nangangakong di na babalik sa maling gawain. Dagdag pa ni CIns. Ferrer na nakikipag-ugnayan ang pamunuan ng Nagcarlan PNP sa mga negostanye na mabigyan sila ng pagkakataong makapag-hanapbuhay. At kung sakaling sino man ang mapatunayan na patuloy pa din sa paggamit at pagbebenta ng iligal na droga ay may karampatan silang parusa o pagkakakulong base sa kanilang paglabag sa R.A 9165 o Dangerous Drug Act of 2002.


Editorial Staff

Vox Lacus Publishing

Publisher

 

Terry Bagalso

Editor-In-Chief

 

Imelda Cardel

Contributing Editor

 

Marilyn D. Navarro

Staff Writer.

Search By Tags
No tags yet.
Follow "Balitang LAGUNA"
  • Facebook Social Icon
bottom of page