Nagcarlan Municipal Police Station, Naglunsad ng Clean-up Drive
NAGCARLAN,LAGUNA - Nagsama-sama ang mga kapulisan sa pangunguna ni PCI Leopoldo M. Ferrer Jr. at mga residente ng District II ng Nagcarlan sa isang Clean-Up Drive sa kahabaan ng halos 7 barangay na nasasakupan nito kahapon.
Habang abala ang lahat sa pamumulot ng basura at pagbubunot ng mga damo sa paligid ay nanawagan naman si Kgg. Rey Comendador gamit ang mega phone upang iparating ang mensahe sa mg mamamayan na huwag magtatapon ng upos ng sigarilyo at balat ng candy sa langsangan. Ilagay nang maayos sa basurahan ang nabubulok at di nabubulok .Maging ang paghuli sa mga pagala-galang aso.
Hinikayat din nito na kung sino man sa mga kamag-anak ng bawat residente ay boluntaryong sumuko sa kapulisan upang magbagong buhay, p
artikular ang mga gumagamit at nagbebenta ng iligal na droga..
Dahil ito na ang pagkakataon sa programang isinusulong ng ating Pangulong Rodrigo Duterte at ng PNP sa pangunguna ni P.Dir.Gen.Ronald "Bato" Dela Rosa na "Oplan Tokhang" o Double Barrel.Patuloy din naman nagsasagawa ng operasyon ang ibat-ibang station sa buong laguna sa pangunguna ni OIC PD.PSSUpt.Joel C.Pernito.Kaugnay sa pagsugpo at pag-aresto sa mga ayaw tumalima sa programang ito.