Hamon sa Kabataan at Katandaan Man, Ngayong 2016 na Halalan At Pag-aalala sa People’s Power Edsa R
I
Sa Iyong pagkakatulog ikaw ’y gumising
Imulat mong mabuti ang iyong paningin
Bakit di’ mo rin buksan ang iyong pandinig
Upang ang katotohanan ay iyong mabatid.
II
Tila yata pati ang iyong bibig ay pinid
Ang dila mo ba ay bigla o sadyang naumid
Ang iyong bisig bakit nakahalukipkip?
Sa mga nangyayari’y tila di’ nayayanig.
III
Dito sa ating bansa, bayan at buong paligid
Kasamaan laganap iyong mamamasid
Pawis, dugo, buhay ng mga api ang siyang idinilig
Kaya’t mga ganid namayagpag sa paligid.
IV
Mga mayayaman at nasa posisyon ang makapangyarihan
Ang mga maralita’y tinatapak-tapakan
Taong matalino’y lalong naging paham
Di naman gamitin sa kabutihang-asal.
V
Itong mga mangmang siyang niluluraan
Animo’y may sakit na iniiwasan
Ngunit napag-isipan mo na bang lubusan
Sino nga ba ang tunay na batik ng bayan?
VI
Sa atin ngayong lipunang ginagalawan
Lakas talino, yaman lang ang kailangan
Di na baleng mawalan dignidad at moral
Makilala lamang ang kanilang pangalan.
VII
Lakas, posisyon, kapangyarihan ang ginagamit
Upang itong bayan sa putik ay mabulid
Gawaing tiwali ang laging nasa isip
Tuluyang nawala ang salitang pag-ibig.
VIII
Nalasing, nagumon, naadik na sa tagumpay
“Greed of power, position, money, fame” ang hangad sa buhay
“Gold, guns, goons” pinaiiral nawala na ang katarungan
Ang takot sa Diyos nawalan ng kabuluhan.
IX
Makapanira man ng buhay at pangalan
Wala ng sinisino, wala ng pakialam
Kahit pa nga kumitil ng hiram na buhay
Makamtan lang ang hangad ng isipan.
X
Ngayon mo pakilusin ang iyong isip
Anong magagawa mo sa ating paligid
Imulat mo ang mata, buksan ang pandinig
Ibukas ang bibig huwag hayaang pinid.
XI
PANAHON NG PAGKILOS NGAYON KABATAAN
Hindi ba’ IKAW ang pag-asa ng bayan
SA MGA MAY EDAD, MAY GULANG AT MGA KATANDAAN
Na dapat tularan at maging patnubay
Mabuting adhikain ngayon pasimulan
Upang maibangon, maisalba pagbagsak ng lipunan.
XII
Mula pa noong taong 1985
Tatlumpung (30) taon na ang ngayo’y lumipas
May mga katanungan ang sa aki’y nakaakibat
Magpahanggang ngayon ay ‘di ko madalumat
Bakit ang Inang Bayan ay tigmak pa rin sa hirap?
XIII
Ang krimen, krisis, panunuhol at korupsyon
Mas lalong tumindi, grabe at sumahol
Bayan nga ay lumaya sa paniniil noon
Mas lalong naging malayang gawin ngayon.
XIV
Di’ ko naman nilalahat mula sa pinakamataas
hanggang sa mababang nasa posisyon
Malayang nagagawa ang mga pandaraya, at mga pandarambong
Mayaman ang Pilipinas pero bakit magpahanggang ngayon
Bakit marami pa rin ang naghihirap, salat at nagdarahop ?
Habang patuloy na nagtatamasa at namamayagpag ang mga korupt?
XV
NASAAN NA ANG DIWA NG PEOPLE’S POWER EDSA REVOLUTION ?
NAPATUNAYAN NA NATING MGA PILIPINO NOON
ANG TUNAY NA DIWA NG MALAWAKANG PAGTITIPON
MAAARING MAGKAROON NG PAGBABAGO ANG ISANG NASYON
KAPAG NAGKAISA, MGA MAMAMAYAN AT NAGKAKASUNDO
SAMA-SAMANG NAGDARASAL NANANALIG SA PANGINOONG HESUKRISTO.
XVI
Demokrasya’y nakamit naman natin nang ilang sandali
Ang ating kalayaan ng bayan na minimithi
Subalit saan at sino nga ba ang nagkamali ?
Mga pagkukulang at labis na gawa kanino dapat isisi ?
XVII
Sa mga mamamayan ba, sa mga namumuno o sa bulok na sistema?
Inang Bayan, Bansang Pilipinas … may PAG-ASA pa kaya?
Bilang isang mamamayang kabataan, o nakakatanda
Ano nga ba ngayon ang ating maiaambag, magagawa ?
XVIII
Tayong mga Pilipino’y madaling lumimot
Sa mga pangyayari’t kasaysayang naidulot
Hinahayaan nating mamayagpag ng lubos
Mga pulitikong naihalal sa posisyon naluklok
Ngunit huwad, ang pamumuno’t
Pamamahala pala ay peke at bulok.
XIX
Ang sigaw natin noon : ‘SOBRA NA, TAMA NA!”
Ngayon ito pa rin ang sigaw ng balana at masa
NGAYONG TAONG 2016 HALALAN SA MAYO NA
TUNAY NA ANG ISANG BOTO MO AY MAKAPANGYARIHAN AT MAHALAGA.
XX
Ngayong 2016 halalan dapat kang manguna
Sa mga nangyayayari dapat na makialam ka
Maging mapanuri, masusing mag-obserba
Sa mga pulitiko, kandidato na nagnanais maglingkod pa.
XXI
Alamin ang “track records”, katauhan at ugali nila
Tunay nga ba at tapat ang layunin na mamahala
May takot ba sila sa Diyos na ating Ama
Tiwala sa kanila ipagkaloob karapatdapat ba?
XXII
TUNAY NA MAKAPANGYARIHAN ANG IYONG BOTO
ANG KAISA-ISANG BAGAY NA MAYROON TAYO
MAYAMAN AT MAHIRAP PANTAY-PANTAY DITO
ISANG BOTO, SAMA-SAMA TUNGO SA PAGBABAGO!
XXIII
Ang hamon ko sa mga kabataan at katandaan
Sa lahat ng mga botante ngayong 2016 Halalan
May Pag-Asa pa itong ating Inang Bayan
Kung ating pipiliin na may katalinuhan
Ang nais nating maglingkod hindi sila ang paglilingkuran.
XXIV
“History Repeat Itself” palagi nating naririnig ,sinasabi
Hahayaan na lang ba natin na ito’y palaging mangyari ?
Nasa ating mga kamay ngayon ang kinabukasan ng ating Bayang iwi
Tunay na pagbabago tungo sa pag-unlad at pagiging mabuti.
XXV
Ang boto mo ay sagrado, makapangyarihan ito
Huwag mong ipagbibili kapalit ng dangal at kaluluwa mo
Alalahanin ang kinabukasan ng bansa at mga anak mo
Pati na ang mga susunod na henerasyon ng bawat Pilipino.
XXV
ITayong mga botante huwag ng magpalokoHuwag na ding magpadala sa matatamis na pangakoKapakanan ng Bayan ang isipin huwag lang sarili moNgayong 2016 Halalan tayo ngayo’y magpakatinoGamitin ang puso, isip at talino, manalangin bago bumoto.
XXVII
Sa lahat naman ng mga pulitiko at kandidato
At sa lahat ng nanunungkulan sa ating gobyerno
Isa lamang ang hinihiling ng abang lingkod n’yo
Pag-aralang mabuti namnamin inyong isaulo
Nawa’y isaisip, isagawa, at isapuso ng bawat-isa sa inyo
Ang bawat titik o “lyrics” ng mga awitin at imno
Na mula pagkabata itinuturo ng ating mga guro .
XXVIII
Lupang Hinirang, Ang Bayan ko’y Tanging Ikaw,
Pati na ang Panatang Makabayan at Bagong Lipunan,
Ako Ay Pilipino, Magkaisa, Ibon Mang May Layang Lumipad
At iba pang mga awitin na makabayan at kauri nito
Upang muling maantig ang damdamin, isip at puso
Para hindi na gumawa ng mga karumaldumal na panloloko
Sa mga mamayang kabataan at katandaan botanteng Pilipino.
XXIX
NAGKAISA, NAGKAPIT-BISIG, SAMA-SAMANG NANALANGIN
DOON SA EDSA MAY 24 KILOMETRO HABA NG HIGHWAY
LIBO-LIBONG TAO MAY PANANAMPALATAYANG NAGDASAL NG TAIMTIM
SIMULA PEBRERO 23,24 AT 25 NG TAONG 1985
TATLUMPUNG (30) TAON NA ANG LUMIPAS MANDIN
ALAM KO ITO KAYANG KAYA RIN NATIN NGAYONG GAWIN
KUNG ANG DIYOS LAMANG ANG ATING UUNAHING PAGHARIIN
TIYAK NA TAYO’Y KANYANG PAPATNUBAYAN MANDIN.
XXX
ANG SABI SA AKLAT NG LUMANG TIPAN SA II CRONICA 7:14-15
“NGUNIT SA SANDALING ANG BAYANG ITO NA AKING PINILI
AY MAGPAKUMBABA, MANALANGIN, HANAPIN AKO AT
TALIKDAN ANG KANILANG KASAMAAN, DIRINGGIN KO SILA.
PATATAWARIN KO SILA. AT IBABALIK KO SA KANILANG LUPAIN
ANG KATIWASAYAN AT KASAGANAAN. DIRINGGIN KO ANG
MGA DALANGING GAGAWIN DITO NGAYON AT MAGPAKAILANMAN.”
XXXI
HAMON SA KABATAAN AT KATANDAAN MAN
NGAYONG TAONG 2016 NA HALALAN
AT PAG-AALALA SA IKA- 30 TAONG PAGDIRIWANG
NG EDSA PEOPLE’S POWER REVOLUTION.
XXXII
BOTO MO, BOTO KO, SAGOT MO PARA SA PAGBABAGO
ITO’Y MAKAPANGYARIHAN, KARAPATANG SAGRADO
PILIING MABUTI ANG ATING PINUNONG IBOBOTO
KUNG MAHAL MO ANG SARILI MO AT INANG BAYAN KO.
XXXIII
UPANG TUNAY NA DEMOKRASYA AY ATING MATAMO
NG HINDI MASAYANG KABAYANIHAN NG MGA NINUNO
NA NAGBUWIS NG BUHAY PARA MAKAMTAN ITO
KAYA KUMILOS KA BUMOTO NA SA DARATING NA MAYO.