Tulong Dunong Hatid ni Laguna Provincial Director PSSupt. Ronnie S. Montejo.
L
ILIW,LAGUNA - Malaking tulong sa mga muling nagpapanimula ng kanilang pag-aaral. Nang handugan ng mga school supplies ni Laguna PNP Provincial Director PSSupt .Ronnie Siroy Montejo ang mga Out of School Youth at mga magulang ng Brgy.cBayate Liliw,Laguna na kanila namang magagamit sa unang araw ng pag-aaral sa darating na ika-17 ng Pebrero sa taong ito.
Ang programang ito ay hatid ng DepEd na Alternative Learning System (ALS) at sa pakikipagtulungan nila Mayor Ericson Sulibit, Elisa M.Arban, District Supervisor Armin O. Cabrales Principal lll,Julita C.Arnuco at Chairman Tirso Buenconsejo. Umabot nga ng 10 mga mag-aaral ang muling sasalang sa kanilang pagsasanay na gagabayan naman ni G.Antonio Caldoza ALS Mobile Teacher.
Sasailalim naman ang mga mag-aaral na ito ng apat na beses sa loob ng isang buwan.Na magtatapos naman hangang buwan ng Oktubre 2016.Ayon kay SSupt.Montejo maganda ang layunin ng programang TULONG DUNONG na isa sa best practices ng kapulisan sa pamayanan.Lalo na sa mga nagnanais matupad ang kanilang mga pangarap sa buhay.