top of page

Bakit Dapat Bumoto?


Eleksyon na naman, panahon ng halalan. Panahon ng kampanyahan. Maraming nagsasabi na, “Bakit pa ako boboto kung pare-pareho naman ang mga kandidato? Mangangako pero mapapako. Sawa ka na ba? Wala nang magbabago.“ Subalit paano nga ba ito magbabago kung ikaw mismo ay ayaw magbago?

Huwag kang magpadala sa mga taong nagsasabi na “Wala nang mangyayari.” Kung lahat tayo ay ganito mag-isip, wala talagang mangyayari! May KAPANGYARIHAN ANG IYONG BOTO. Pero walang bisa ang kapangyarihang ito kung ikaw mismo ay magsasawalang kibo tuwing eleksyon. Dapat MAKIALAM KA !

KAYANG BAGUHIN NG ISANG BOTO ang isang bayan, ang isang bansa. Isipin mo na lang kung may milyun milyong botong may paninindigan ang magsasama-sama, eh 'di ayos na sana ang ating bayan, ang ating bansang Pilipinas.

Totoong totoo na may mga mandaraya at “corrupt” na kandidato ang magtatangkang bumili ng boto mo. Pero kung maninindigan ka, hindi sila magtatagumpay. Huwag basta maniwala sa mga propaganda, komersyal, tarpaulin, leaflets, etc. Huwag kang magpa-uto, huwag kang magpabola, o magpaloko, sa umpisa pa lang kaaway na sila ng bayan, ng ating bansa. HUWAG MONG IBENTA ANG BOTO MO , DAHIL KUNG GAGAWIN MO ITO O KUNG GAWAIN MO NA ITO TUWING ELEKSYON, PARA MO NA RING IBINENTA ANG KALULUWA MO, PATI NA RIN KINABUKASAN MO, AT NG MGA ANAK MO, AT NG MGA SUSUNOD PANG HENERASYON.

Ibang klase ang Pilipino ka, 'di ba ? Isang PILIPINONG MAY INTEGRIDAD NA HINDI IPAGBIBILI ANG KINABUKASAN NG BANSA. ISA KANG PILIPINO NA MARUNONG MAKIALAM SA MAHAHALAGANG DESISYON NG BUONG SAMBAYANAN. ISANG PILIPINONG MAY PAG-ASA AT NANINIWALA NA HINDI PA HULI ANG LAHAT PARA SA PILIPINAS. KAYA PA NATING MAGBAGO.

Gaano ba kahalaga ang boto mo ? Hindi lang ito obligasyon o pakikiuso. ANG BOTO MO AY BOSES MO. ITO AY PATUNAY NA MAY KARAPATAN KANG MAGSALITA, MAG-ISIP AT MAMILI NG MAAYOS NA KARAPATDAPAT NA KANDIDATO NA ILULUKLOK MO. ANG BOTO MO AY PAGKATAO MO. ANG BOTO MO AY DANGAL AT LAKAS MO NA PANTAY KAHIT KANINO. ISANG TAO, ISANG BOTO --- MAYAMAN MAN O MAHIRAP! Kung ang lahat ng botante ay boboto, maipaparating natin ang ating saloobin ng nakakaraming Pilipino.

Hindi naman lahat ng kandidato ay “corrupt”, makasarili at mandaraya. May ilan pa ring mga kandidato na nanatiling MABUTI , nagnanais na maging TAPAT at may MALINIS NA HANGARIN na MAGLINGKURAN SA BAYAN. Meron pa ring sumusunod sa Diyos. At may mga paraan para malaman mo kung sinu-sino sila. PAKINGGAN AT SURIIN MO ANG PLATAPORMA NILA, ALAMIN ANG KANILANG ‘TRACK RECORD’. Pag-aralan kung tunay ngang binibigyan nila ng HALAGA ANG KAPAKANAN NG BAWAT MAMAYANG PILIPINO. Higit sa lahat, mababasa sa Biblia ang mga katangiang gagabay sa ‘yo sapagpili ng TOTOONG MATUWID at MATAPAT na kandidato na iboboto mo ngayong 2016.

Manatiling Malaya :

“PINALAYA TAYO NI CRISTO UPANG MANATILING MALAYA. MAGPAKATATAG NGA KAYO, AT HUWAG NANG PAAALIPIN ULI! “ (Galacia 5:1)


Editorial Staff

Vox Lacus Publishing

Publisher

 

Terry Bagalso

Editor-In-Chief

 

Imelda Cardel

Contributing Editor

 

Marilyn D. Navarro

Staff Writer.

Search By Tags
No tags yet.
Follow "Balitang LAGUNA"
  • Facebook Social Icon
bottom of page