14 Na Suspek, Arestado Sa One Time Big Time Operation Sa Laguna
BIÑAN CITY - Bagsak sa kamay ng elemento ng Biñan City Police operatives ang halos 14 na mga suspek. Matapos magsagawa ang mga ito ng operasyon na One Time Big Time kamakailan sa nasabing lunsod.
Base sa ulat na ipinadala ni Supt. Serafin F. Petalio ll, hepe ng Biñan PNP, kay Laguna Prov'l Director PSSupt. Ronnie S. Montejo kinilala ang mga suspek na sila Vincent Estoperez, Jedy Figuerao, Alfonzo Gayita, Ivan Anaceta , Jeffrey Enberso, Jonhson Escultura, Rupert Daculiat pawang nakatira sa Brgy. San Antonio, Biñan City, at Raymund Santos ng Brgy. Casile. Tatlong suspek naman na mula pa Carmona Cavite na sila Ronaldo Lacaden, Norman Javier, at Ronald Dacay. Arestado din sina Emelito Banawa, Marvin Yanes ng Brgy. Marinig Cabuyao City at Mark Anthony Silva 20 ng Brgy.Malitlit lunsod ng Santa Rosa.
Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya habang bumibili ng iligal na droga ang nagpanggap na buyer sa panulukan ng sitio Umboy Brgy. San Antonio ay nakatunog ang suspek kung kaya't agad itong tumakbo hanggang sa masukol siya sa isang abandonadong bahay kung saan dito na tumambad ang 13 mga kalalakihan na naabutan pa na gumagamit ng ipinagbabawal na gamot na siyang dahilan upang arestuhin ang mga ito ng kapulisan.
Nakuha sa pag-iingat ng mga suspek ang 3 piraso ng small heat sealed plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu,4 na piraso ng crumpled aluminum foilna may mga drug paraphernalia at ang halagang Php 500.00 na nagsilbi naman bilang marked money.
Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Sec. 5 and 11 of RA 9165 si Vincent Estoperez. Habang pawang nahaharap ngayon sa kasong paglabag naman ang 13 mga suspek sa sec.11 and 12 of RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. '
Matatandaan na halos 15 mga suspek din ang nasakote ng Biñan PNP sa ikinasa nilang One Time Big Time Operation sa bahagi naman ng Tramo Riles Brgy. Canlalay sa lunsod na ito. Patunay na tuloy-tuloy ang pagsugpo sa mga iligal na mga gawain. At upang ma protektahan ang bawat pamilya,kabataan at maging ang kanilang kinabukasan.