top of page

Dating Vice Mayor Sa Laguna Timbog Dahil Sa Pag-iingat Ng Mga Baril at Shabu.

  • Kevin Pamatmat
  • Jan 28, 2016
  • 1 min read

FAMY,LAGUNA-Timbog sa inilatag na search operation ng pinagsanib na pwersa ng Laguna Provincial Intelligence Branch (PIB) sa pangunguna ni PSupt .Meliton Salvadora, LPPSC at Famy PNP. Matapos magsagawa ang mga ito ng search operation sa bulu-bundukin bahagi ng Brgy .Salang Bato ng nasabing bayan.

Sa ulat na ipinadala ni PSI. Henry Villagonzalo, hepe ng pulisya, kay OIC PD PSSupt. Ronnie S. Montejo nakilala ang mga suspek na sila Amadeo Punio, dating bise alkalde, Ernesto Silva, Cairo Tamos, at Anna Rose Dadulla pawang nakatira sa Brgy. Salang Famy Laguna.

Nakumpiska sa ikinasang operasyon ang isang granada, isang caliber .22 rifle, isang caliber .38 pistol, isang caliber .22 pistol, at isang shotgun.Kasama din nakumpiska ang halos isang kilo gramo ng hinihinalang shabu.

Lumilitaw sa ulat na si Punio ang isa sa notoryus na big time drug pusher sa bayan ng Famy maging sa kalapit bayan nito sa ika-4 na distrito ng lalawigan ng Laguna. Pawang nahaharap ngayon ang mga suspek sa mga kasong paglabag sa sec.11 of Republic Act

9165,at pag-iingat ng mga iligal na baril at mga bala o RA 10591at paglabag sa RA 9516.


 
 
 

Comments


Editorial Staff

Vox Lacus Publishing

Publisher

 

Terry Bagalso

Editor-In-Chief

 

Imelda Cardel

Contributing Editor

 

Marilyn D. Navarro

Staff Writer.

Search By Tags
Follow "Balitang LAGUNA"
  • Facebook Social Icon

    Like what you read? Donate now and help me provide fresh news and analysis for my readers   

Donate with PayPal

© 2023 by "This Just In". Proudly created with Wix.com

bottom of page