top of page

Ika-196 na Taong Pagkakatatag ng Bayan ng Magdalena, Masayang Ipinagdiwang


MAGDALENA,LAGUNA - Masayang sinalubong ng mga mamamayan, maging ng 24 nitong Barangay at Sangunian Bayan sa pangunguna ni Mayor David O. Aventurado, ang pagdiriwang ng ika -196 na taong pagkakatatag ng Magdalena Laguna. Sa unang araw pa lang ay dinumog na ng mga mamamayan ang Parada ng mga Kalabaw na binihisan ng makukulay nilang damit gamit ang pinta at mga indegenous materials. Hila-hila nila ang kanilang mga kariton at paragos na dinisenyuhan naman ng inaani nilang mga gulay mula pa sa bakuran ng kanilang barangay.

Tumayong mga hurado sila Provincial Argriculturist Marlon Tobias at Ms. Grace Bustamante na mula naman sa tanggapan ng Provincial Veterinary. Nahirang na best in talent ang alagang kalabaw ng Brgy. Salasad. 2nd runner-up ang Brgy. Munting Ambling na tumanggap ng Php.15,000.00. Tinangnghal naman kampyon ang Brgy.

Poblacion sa pangunguna ni Brgy. Captain Aurora E. Aguiñoso na nagkamit ng halagang Php 25,000 at binigyan pa ng karagdagan Php 5,000 ni Mayor Aventurado.

Ikalawang araw naman ang pagtatanghal ng mga butihing guro sa kanilang programang DepEd Day kasama ang kanilang panauhing pangdangal Cong. Benjie Agarao at Rep. Benjo Agarao.

Sa huling araw naman ng ika-18 ng Enero ay ang pinakaka-abangan ng lahat ang Street Dancing Compitition.

Ang programang ito ay may temang "Magdalena ay Tuklasin, Turismo at Produkto ay Paunlarin".

Pinuri ng mga netizen sa social media ang katatapos nilang matagumpay na programa.


Comments


Editorial Staff

Vox Lacus Publishing

Publisher

 

Terry Bagalso

Editor-In-Chief

 

Imelda Cardel

Contributing Editor

 

Marilyn D. Navarro

Staff Writer.

Search By Tags
No tags yet.
Follow "Balitang LAGUNA"
  • Facebook Social Icon
bottom of page