OPLAN Lambat Sibat Seminar, Isinagawa ng Nagcarlan PNP
NAGCARLAN LAGUNA - Upang mas lalong tumatag ang ugnayan ng kapulisan sa mga mamamayan, nagsagawa ng isang pagsasanay sa mga Brgy. Chairman, Hepe ng Brgy. Tanod at miyembro ng Peace and Order Council. Ito ay para sa mga OPLAN Lambat/Sibat Volunteer na pinangunahan ni PCIns. Leopoldo M. Ferrer Jr., hepe ng bayan nito. Bilang pagtugon sa pagsugpo sa iligal na mga gawain at krimen na paiigtingin ngayon ni Laguna OIC Provincial Director PSSupt. Ronnie S. Montejo.
Tinalakay dito ang mahahalagang paraan upang mabilis na makaresponde sa mga tawag ng katungkulan, partikular sa kanilang mga nasasakupan. Kasamang ibinahagi ang mga programang ilalatag ng Nagcarlan MPS ay ang "Complan Listo", D.A.R.E. Ko Teacher Ko, Tulong Dunong at Mobile Eskwela, na siyang tutugon sa kaalamang edukasyon para sa mga bata.
Ayon kay CIns. Ferrer Jr., layunin ng pagsasanay na ito na matugunan at mabigyan ng mataas na kalidad ng kapayapaan at katahimikan ang pamayanan at mabawasan at maiwasan ang krimen sa lipunan. Habang katuwang ang mga miyembro ng OPLAN Lambat/Sibat volunteers na magiging mata ng kapayapaan sa bayan ng Nagcarlan.
Makaraan ang talakayan na pinangunahan nila DCOP PIns.Carlos L.Tagbo Jr., SPO3 Ronan Bulahan at SPO3 Bernardino Artisen ay nagkaroon ng open forum sa pagitan ng mga dumalo. Kaugnay sa tamang pag-aresto, pagbibigay ng tamang impormasyon sa may kinauukulan para sa daglian pagresponde sa mga insidente.
Samantalang personal namang ipinakita ni CIns.Ferrer sa inyong lingkod ang pagsasa-ayos ng buo nilang pasilidad, partikular ang maayos na nila ngayon barracks o tulugan ng mga miembro ng kapulisan, ang pag-angkat ng apat na brand new computer unit na siyang magagamit sa pagse-serbisyo sa publiko, at maging ang mga bago din nilang mga uniform. Aniya, malaking tulong ito sa kanyang mga officers sapagkat "Kung maayos ang kapaligiran at kalusugan, ay maayos din nilang mapaglilingkuran ang pamayanan".
Comments