Nabiktima Ka Na Ba Ng Cyberbullying?
Sa panahon ngayon, ito ang mga nangyayari sa mga taong walang kalaban laban na kunahin ang kanilang mga larawan o video mula sa mga social media sites tulad ng Facebook. Talamak na talamak na ito dahil sa laki ng mundo ng teknolohiya. Maari ka nilang purihin, alpustain, lagyan ng mga sari-sari mga komento na wala naman kabuluhan sa iyong larawan na mababasa ng buong mundo. Hindi ba nila alam na ito ay naisabatas na? Ayun sa Republic Act 10627:
" Any person found guilty of Bullying shall be punished with the penalties as enumerated in Republic Act No. 10627 or the “Anti-Bullying Act of 2013”: Provided, that the penalty to be imposed shall be one (1) degree higher than that provided for in Republic Act No. 10627, if committed through a computer system."
Malimit itong mangyari sa mga artista na madaming tao ang nakasubaybay. Bina-bash ng mga taong walang magawa sa buhay, at maari din itong gawin sa pangkaraniwang tao na tulad ko, biktima ng cyberbullying. Kahit gaano man ka pribado ang iyong account sa social media magagawa parin nilang makuha ang iyong mga larawan at makapang bikitima sa kanilang kapwa.
Nakakalungkot isipin na may taong mga ganyan. Feeling ko tuloy ay isa akong artista at sila ang mga fans ko bilang haters. Kahit wala kang ginagawang masama sa kanila at patuloy ka pa din nilang aalipustain na akala mo’y sila lang ang perpekto sa mundo. Ayon sa aklat ng Bagong Tipan sa aklat ni apostol Santiago kabanata 3 talataang 5 hangang 10:
“Ganyan din ang dila ng tao. Kay liit liit na bahagi ng katawan ngunti malaki ang nalilikhang kayabangan. Isipin lamang ninyo! Napalagabgab ngb isang maliit na apoy ang isang malawak na kagubatan! Ang dila ay isang apoy, isang daigdigng kasamaang nakakahawa sa ating buong katawan. Mula sa impierno ang apoy nito at pinag-aapoy ang lahat ng buhay ng tao. Lahat nfg uri ng tao o hayop na lumalakad o gumagapang o nakatira sa tubig ay kayang supilin at talagang nasusupil ng tao. Ngunit walang makasupil sa dila. Ito’y puno ng kamandag na nakakamatay. Ito ang ginagamit natin sa PAGPUPURI sa ating PANGINOON at AMA, at ito rin ang ginagamit natin sa pag-alimura sa tao na NILALANG na KALARAWAN ng DIYOS. Sa iisang bibig nangangaling ang pagpupuri’t pag-alimura. Hindi ito dapat mangyari sa lahat. Ang responsableng tao, responsableng magulang, responsableng kristyano at responsableng mamamayan ay nagdudulot ng kapayapaan, kasaganaan at tunay na kaligayahan sa mga tao, sa pamilya at sa ating kapwa."
Комментарии