top of page

3 PNP Provincial Director sa CALABARZON, Binalasa

  • Kevin Pamatmat
  • Jan 15, 2016
  • 1 min read

CAMP VICENTE LIM,LAGUNA - Sa pagsisimula pa lamang ng unang araw ng Comelec Election Ban sa buong bansa ay 3 PNP Provincial Director sa Calabarzon ang agad binalasa ng pamunuan ng Philippines National Police kahapon.

Base ito sa ipinalabas na direktiba ni Chief PNP Director General Ricardo Marquez. Itinalaga nito bilang Incoming Provincial Director si PSSupt. Eugenio Belarmino Paguirigan bilang kapalit ni Provincial Director PSSupt.Ronnie Ylagan ng lalawigan Quezon.

Natalaga naman si PSSupt. Ronnie Siroy Montejo bilang kapalit ni Outgoing Laguna Provincial Director PSSupt.Florendo S.Saligao. Kabilang si Rizal Outgoing Provincial Director PSSupt.Bernabe Balba, kapalit naman si Incoming Rizal Provincial Director PSSupt. Adriano Enong Jr.

Sinasabing nagmula si Paguirigan sa Camp Crame bilang Directorate for Operation. Si Montejo naman ay mula sa NRCPO, habang si Enong Jr. ay nagmula sa Police Regional Office 3 bilang DRDA.

Isinagawa ang pormal na turn-over ceremony sa magkakahiwalay na lalawigan sa ilalim ni Calabarzon PNP Director PCSupt .Richard A. Albano at Deputy Regional Director for Administration PCSupt. Ronald Santos. Dahil dito ay pansamantala muna umanong itatalaga ang tatlong matataas na opisyal sa Regional Holding Unit sa Camp Vicente Lim,Canlubang,Calamba City laguna.

コメント


Editorial Staff

Vox Lacus Publishing

Publisher

 

Terry Bagalso

Editor-In-Chief

 

Imelda Cardel

Contributing Editor

 

Marilyn D. Navarro

Staff Writer.

Search By Tags
Follow "Balitang LAGUNA"
  • Facebook Social Icon

    Like what you read? Donate now and help me provide fresh news and analysis for my readers   

Donate with PayPal

© 2023 by "This Just In". Proudly created with Wix.com

bottom of page